Kaya tayo nahihirapan makita ang kakayanan natin kasi nakatingin tayo sa iba. Nakatingin tayo sa kung ano meron sila na maganda na wala ka. “Bakit sya ganun?” Bakit may ganun sya ako wala” “Bakit sya nagagawa nya yun, bakit ako hindi” “Buti pa sya..”
Insecurities. Low self-esteem.
Napaisip ako at habang patuloy na nagpapakita ng revelations si Lord sa akin. Binulong nya sa akin “Tumitingin ka kasi sa iba, Tingin ka kasi sa sarili mo.”
Do not get me wrong. Masaya ako sa kasiyahan at success ng iba. Masaya akong makita kapag may mga blessings ang iba, patunay na napakabuti ng Dios hindi lang sa akin kundi sa lahat. May mga panahon lang talga nang dahil sa mga circumstances sa buhay, hindi ko maiwasang magtanong kung bakit naging ganito ako sa sarili ko. Masyado ko ba nilaglag, ganern bes! Ang baba e, to the lowest level, pabagsak na ko nun e.
Unti unti pinakita sakin ni Lord ang mga kalakasan ko. Nung mga panahon na na-depress ako, syempre, hindi mo talaga makita na capable ka. Lahat negative. Ang pangit. Hindi maganda ang depression. Hindi sya nakakatuwa. Nakakaloka sya, literally. Pero tinulungan at tinuturuan ako ni Lord how to deal with it. Nagbasa ako ng mga motivational books, mga personality development, spiritual and inspirational books. Nagexercise ako atbp.
I do not compare my life to others in a negative way. Naniniwala ako na iba iba talaga tayo ng destinasyon sa buhay, iba iba ang nararanasan at tinatahak natin. Nasa sa atin na kung paano natin harapin at iba’t ibang challenges na meron tayo. Kung paano tayo maging grateful and content.
Dumating lang talaga sa point ng buhay ko na ayaw ko na. Wala na! Hindi ko na gusto gumalaw at sumubok ulit. Ayaw ko na harapin yun kaba at takot. Tapos nakatingin lang ako sa iba na nakakatuwa na nagagawa nila mga yun habang binaba ko ang sarili ko, kelan kaya ako? Ang tanong ko.
“Tumitingin ka kasi sa iba, tingin ka sa sarili mo”
I know God wants me to look at Him all the time. That’s the only way I could survive pero gusto ipa-alala sa akin ni Lord na tumingin ako sa sarili ko kung paano nya ako nilikhang kahanga-hanga! O diba?
Kaya nagumpisa ako tignan mga kaya kong gawin, mga bagay na magaling ako, mga talento na binigay sa akin. Andyan na e, andito lang sya, kung bakit hindi ko mailabas at hindi ko makita kasi naging busy ako tumingin sa iba. Naging busy ako sa liwanag ng iba habang ang ilaw ko napundi na.
Hindi masamang mahalin ang sarili. Naniniwala nga ako na dapat matutunan mo muna talagang mahalin ang sarili bago masabing kaya mo na magmahal ng iba. Hindi pagiging selfish ang pagtanggap at pagmamahal sa sarili. Self-love ang tawag dun.
We all know and heard about how God created us uniquely, fearfully and wonderfully. But sometimes we are busy looking at others strength that we don’t have time to look how awesome we are. He made us. Hindi sya nagkamali na nilikha nya tayo. Hindi sya nagkamaling ibigay yung mga kakayanan natin. Na sa atin na e. Ilabas na lang!
Express na bes!
Kung iisa isahin natin ang strengths, abilities na binigay sa atin ni Lord at ititigil na natin ang mga negatibong paniniwala sa sarili, madami tayo ma-achieve, malayo mararating natin. Hindi ko sinasabing maging mayabang na tayo kasi puro sarili ang sinasabi ko dito. Ang point ko, kung isa ka sa mga tao na mahilig at nageenjoy na mag nega thoughts, parang ako, gising gising din tayo! Marami tayong magagawang maganda at dakila. Tingin ka sa sarili mo at maniwala ka na kaya mo.
Kaya ko din. ❤️🙏 So help me, God!
But wait, let me take a selfie!
Maniwala ka sa iyong angking ganda at talino 😂
Thank you so much sa pagbabasa. ❤️