Titignan ko kung hanggang saan ako aabot. I just deactivated my Facebook account, I deleted Facebook, Instagram and Twitter applications sa phone ko. Hihinga muna ako at paminsan minsan hindi ako makahinga sa social media.
While I am writing on my journal, napa-isip ako. Kahit wala ako trabaho sa ngayon, gusto kong i-grab itong opportunity to be refreshed and be restored, and to make good use of my time in seeking the One.
Nakaka-distract ang social media. Para sa akin, kung hindi ko matutunan manage ang time ko at kung may problema pa ako sa heart ko, hindi ako dapat natatambay sa mga social media gaya ng Facebook and Instagram.
Ako lang ba ito? Para bang may need na magpost at magbrowse. Dahil nga naging public na ang diary natin sa panahon ngayon by posting ng kung anu-ano, anong ginagawa natin, nasaan tayo, sino kasama etc., lahat alam na. Kapag may talent pa like photography, singing, dancing or even writing atbp, Aba naman talagang kanya kanyang pakitang gilas dito. (Hindi ako against. Gawin natin ang nagpapasaya sa atin)
Sa totoo lang.. nakakapagod minsan. Napapatanong ako? Bakit ba? Bakit ko ba kelangan magpost? Haha. Bakit ba kelangan ilagay kung saan ang destinasyon pag nagtravel? (Di ko pa yan nagawa! Ako nahihiya e! Kasi feeling ko nakakasakit ako sa iba. Yung iba gusto rin magtravel pero hindi keri. Kaya hindi ako nagpopost ng “traveling to.. ✈️ ” 😂) Okay lang magpost nyan, personal view ko lang na not to let others feel sad or down, I don’t specifically post yung ganyan. (Baka one day gagawin ko din yan!) At bakit ba pag nakanood ng isang video clip e talagang susunod-sunurin mo na yun mga sumusunod pang videos na trending? Tawa tawa kasi kadalasan mga funny videos, may mga touching stories din na iiyak ka.
I am not gonna lie pero parang pakiramdam ko nakakabaliw lang e! Ginagawa akong baliw. 😂 Iyak, tawa, iyak tawa! Minsan magagalit kapa pag nakaka- asar naman. Ang daming emosyon. Ibang klase ang Facebook. May mga panahon talaga na nagdedeactivate ako to take my time and stay away sa ingay.
Bakit ba kelangan gawin iyon? Bakit ba nagiging “need” na ang pagupdate ng buhay natin publicly?
Kung noon journal and devotional book, Bible ang una ko hahawakan pagbukas ng mata ko sa umaga, ngayon ay phone na agad at pag naumpisahan na makita may mga notifications aba naman di mo na namalayan isa o mahigit ilang oras kana natambay doon.
Wala akong balak pagandahin ang mga salita ko dito or kung ano ang tamang way to write this. Gusto ko lang mailabas itong paikot ikot sa isip ko. Takbo kasi ng takbo. Kelangan ilabas ko na. Wala ng edit edit. Kaya sorry kung ito lang ang kaya kong isulat.
Nastress pa ako dyan. Waley ako ‘paki’ sa mga oras na ito kung tama ba o mali ang pag construct ko ng sentence o ang grammar ko. Isa pa yan sa didib-dibin ko. Haha. Nawiwindang na nga ako. Tulad mo, iba kasi ang pakiramdam pag naisulat mo na. O diba? 😉
Meron akong dalawang buwan para ayusin ang sarili ko, magreflect at ma-refreshed ng bonggang bonga. Pinagpala ako makarating sa U.S.A., makapagbakasyon ng bonggacious ulit. Pinagpapahinga ako ni Lord sa lahat ng struggles na napagdaanan ko. Sabi nga ng friend ko, “Bumabawi sayo si Lord”
Parang sinasabi ni Lord sakin ngayon:
“Take your time. WordPress is enough. (yun talaga e no? 😂) Magpahinga ka sa kaguluhan at ingay ng mundo. I have been revealing myself and my word to you pero pag napasok na ang Facebook sa life mo or IG , nawawala ka na e. Hinay hinay lang, bes. Focus focus din. (Feeling ko ganyan ako kausapin ni Lord 😝)
God has been very patient with me. Dami kong “No” sakanya kapag may pinapagawa sya sakin. Pero patuloy pa rin nya ako kinakatok. Ang tigas kasi ng ulo.
So dahil dyan, magiging mas active ako sa WordPress ngayon. Dito naman ako hihinga.
Thank you for reading. ❤️
dungis
Gusto ko na rin po muna magdeac ng facebook. Kaso ang hirap lalo na student ako. Halos lahat ng announcement nasa fb na malalaman. 🙁
PrincessLG
I hear yah! Manage nalang time. Ako kasi na-aadik talaga kaya naman nagdecide muna ako pahinga sa ganyan. 😉
Alona
I deleted FB app on my phone din. Though di ko dineactivate. Try ko lang wala kahit isang linggo lang. Haha.
PrincessLG
Nakailang days kana po? Pang 3rd day ko ito. Nagawa ko sya last April – July. Nagopen ako ng July ayun na naman nabuang na naman ako. kaya burahin ko muna ulit. Hihi
Alona
Kanina lang ulit. Tinawag ako ng topak. Hahaha. Natry ko narin siya before. Longest ko was a month. Hindi rin naman kasi ako masyadong mapost. Kapag napapansin ko na mejo madalas ako magupdate (normally, once or twice a week), eh tinitigil ko na. At nauumay ako sa nakikita ko sa feed ko. Lalo na sa everyday ang update sa mga buhay nila.
Naalis ko na sa sistema ko ang twitter. IG, I stopped for 6 months. Laging may interval, ung minsan ata 3. Nag-aIG ako ulit ngaun. January yung last. Mas sa IG ako nababaliw, hindi dahil sa mga finafollow ko kundi sa ka-oc-han ko sa feed. Hahaha.
PrincessLG
I feel you! Nung nagstopped ako sa Facebook, sa IG naman ako nabaliw. HAHA Ganern din naman. Ganun nga, iba ang pakiramdam ko pag tumatagal ako, hindi ko na minsan nakikita yung ganda ng buhay ko kasi you are starting to compare yourself to others na. I always remind myself to be happy for other people’s success. At okay naman.
Ang naging problem ko ay hindi ako nagiging problem ko ay yung hindi na ako nagiging productive. Maganda yun nagpapahinga tayo paminsan minsan sa ganyan. hihi 🙂