Sa halos anim na taon na naninirahan sa Aruba, talaga namang nag-crave ako sa lasa ng mga pagkain ng Jollibee. Siguro hindi lang dahil sa lasa e, pero dahil you feel home kapag nakaka-kain ka nito.
Yung kahit na wala ka dun sa mismong bansa mo, pakiramdam mo nandun ka. Inaalala mo yun mga panahon na kasama mo yung mga pamilya at mga kaibigan mo habang kumakain. Mga tawanan, mga panahon na kahit sakto lang pera mo kakain ka pa din kasi masaya sila kasama. Mga iba’t ibang events na doon ka nagce-celebrate.
Good times…
Jollibee Jacksonville, Florida
Nagbukas ng Jollibee sa may Jacksonville, Florida nun mga nakaraang buwan. Pauwi kami galing sa Disney World at nagkaroon ng pagkakataon na makadaan kami doon.
Well, actually talagang sinadyang pumunta. Kung ako ay 5years ago pa nakatikim nito, ang aking mommy ay na-excite din. It’s been ages for her nung huli sya nakakain ng Jollibee.
Talaga namang para akong bata tuwang tuwa ako. Grabe! Wala nyan sa Aruba e. Nagbyahe sa US para makatikim ng Jabee? Ito ang pangalawang SURPRISE ni Lord sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko sya ulit at makaka-kain nito. Para bang bumalik ako sa pagkabata.
Ito ang surprise ni Lord sakin. Hindi naman plano na makapunta talaga dito pero God already planned it. Wala e! Love nya ako sobra at talagang pinasaya nya ako.
Surprise # 1 ay sobrang enough na sa akin pero naoverwhelmed ako ng makita ko ulit si Jollibee. Hindi man ako makauwi ulit sa Pinas at least para narin akong nakauwi. Yung sa kalooban ko umiiyak na finally I am home. Woah! Ang babaw ng kaligayahan e no? But really… I am grateful!
***MEdyo late na ang post na ito. Salamat po sa pagbabasa! BLESSINGS!
RheaAngeline
Nag-crave ako bigla. Hahaha.
RheaAngeline
Nag-crave ako bigla. Hahaha.
PrincessLG
Kain na te. 🙂 Enjoy.
PrincessLG
Kain na te. 🙂 Enjoy.