Minsan nagkukwentuhan kami ng kapatid ko at mga pinsan, bigla namin napagusapan ang High School life sa Pinas. At may naalala ako bigla, isa rin yun sa dahilan kung bakit pakiramdam ko sa sarili ko noon ay pangit ako.
Kapag Intrams Day or Intramural, may mga iba’t ibang pakulo ang mga students to add some fun and fund raising na rin para sa iba’t ibang organization na kinabibilangan nila. Habang ang mga laro ay nagpapatuloy, may mga ginawa rin sila iba’t ibang booth tulad ng “Marriage Booth” na kung saan kunwari may ikakasal, may magrerequest na kukunin nila ang taong ito para ikasal kay ganito. Meron din naman yung blind date na same procedure pero nakapiring kayo, pwedeng pagtitripan lang kayo ng tropa or nirequest talaga ng isa sa kanila para makasama nya ang crush nya. Atbp.
Hindi ko matandaan kung paano kami naging partner ng isang lalakeng yun na hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang ginawa nya. Hindi ko rin matandaan kung sino ang nagpakulo noon. Basta ang natatandaan ko… ganito yun.
Naka-piring kami dinala sa isang room (adnun din ang ibang students), magme-meet kayo dun at paghahawakin ang mga kamay nyo. Ako naman, hindi naman ako masamang tao, kung sino man may kagagawan nun naki-ride on lang naman ako at hindi ko din ipapahiya kung sino man sya. So, hawak kamay… naramdaman ko nalang na bumitaw sya sa kamay ko ng pagalit or para bang may tinapon na gamit na ayaw nya.
Nauna sya nagtanggal ng takip sa mata nya. At yun ang una nyang action na para bang nandiri sya sa akin. I felt so embarrassed. Una, wala naman akong planong something romantic sakanya. It’s part of the kalokohan ng mga students. Naki-ride on lang ako. To be honest, hindi ko matandaan kung crush ko ba sya noon or what, kung may ganun naman, dapat ba na ganun ang maging reaction mo sa babae? Pangalawa, hindi sya pogi I realized. HAHA Sorry.
Kahit sino pa man yan kahawak kamay mo hindi mo dapat ginaganun ang isang babae. Ayaw mo man dyan o gusto, hindi ganun ang dapat na pagtrato. Ngayon ko lang naisip na magsalita, dati kasi tahimik lang ako, hindi ako lumalaban. Pero kung meron lang akong tapang noon, siguro kinausap ko sya about this.
Dahil sa mga ala-ala noon, I searched him on Facebook at nakita ko sya. Hindi nalang ako magmention ng name. Pero kelangan ko na rin sya patawarin, tanda ko na o! Haha 🙂 Bata pa kami noon. Pero grabe, isa yun sa dahilan kung bakit mababa ang self esteem ko dahil napaniwala ako ng mga negative thoughts na hindi ako attractive or maganda. Yung tipong hindi ka kelan man magustuhan ng mga lalake. But it was lie. Lahat tayo ay maganda at pogi in God’s eyes. And sa mga previous posts ko, I really emphasize beauty within hindi sa panlabas lamang na kaanyuan. God looks into our hearts at mas magandang pagandahin higit sa lahat ang puso natin. Kung ganun man ang tingin nya sa akin, pangit, ayos lang din kasi natuto ako na mahalin ang sarili ko at tanggapin ang pangit at embrace ang mga magagandang traits na meron ako.
Move on na ako? HAHA Naikwento ko na e. Pero isa yun sa mga nakakahiyang sitwasyon nung High School ako. Bitter ba? Hindi na.. kasi hindi na ganun ang tingin ko sa sarili ko. God made me believe that I am unique and precious in His eyes. He loves me as who I am and bonus, I found people who accepts me for who I am.
Ngayon,may malaking bonus pa ako, taong nagpatibok ng puso ko.. Haha 🙂 Yung kahit sa tingin ko pangit ako para sakanya maganda ako. Yung ipaparamdam nya sayo araw-araw na maganda ka. Inside and out. Yung hindi ikakahiyang hawakan ang kamay mo sa public places, i-kikiss ka sa noo kahit nasaan kayo. Hahawak sa kamay mo at ikikiss nya randomly. Yung hindi magsasawa iparamdam sayo na kahit na may mga weaknesses or flaws ka, tanggap at mahal ka nya at higit sa lahat yung nagpepray with and for you. And when he prays, he always mention how blessed he is and thankful to God that he has someone like me? O diba? Ako na mahaba ang hair! Thank God
Ang sitwasyon nung HS na yun ay isang part ng story ko para mas maappreciate ko kung ano ang meron ako ngayon. Nakwento ko lang naman to! Okay na ako.
Sa mga High School friends ko? Kilala nyo ba ang tinutukoy ko? Haha I forgive him anyways. God bless! Nakakamiss ang High School life. 🙂
-Princess
aysabaw
Hayaan mo na yung frog na un…may prince ka naman na haha
PrincessLG
Hahah oo nga e! 😂 Pinatawad ko na sya. 😅
aysabaw
Hihihihi 😂😂😂
aysabaw
Hayaan mo na yung frog na un…may prince ka naman na haha
PrincessLG
Hahah oo nga e! 😂 Pinatawad ko na sya. 😅
aysabaw
Hihihihi 😂😂😂
renxkyoko
You didn’t describe how he reacted. Maybe it was just in your mind ?
PrincessLG
Hehe. He was mad. He threw my hand like a toy that he doesn’t like. 🙂
renxkyoko
You didn’t describe how he reacted. Maybe it was just in your mind ?
PrincessLG
Hehe. He was mad. He threw my hand like a toy that he doesn’t like. 🙂
cheesecake
hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis e. kasi ganun din feeling ko dati. hahaha.
PrincessLG
Ikr. Kalurkey mga ganun e. I realized malaki pala epekto sa kin nun 😂 pero moved on na. Noon naman yun. Maniwala na tayo na maganda tayo ngayon. Hihi 😍
cheesecake
<– gwapo na ngayon haha 😛
cheesecake
hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis e. kasi ganun din feeling ko dati. hahaha.
PrincessLG
Ikr. Kalurkey mga ganun e. I realized malaki pala epekto sa kin nun 😂 pero moved on na. Noon naman yun. Maniwala na tayo na maganda tayo ngayon. Hihi 😍
cheesecake
<– gwapo na ngayon haha 😛