Sumikat na ang araw, umagang kay ganda Naghahanda sa pagsabak sa panibagong gawa Muling nagiisa, mga plato’y huhugasan Paligid lilinisin, alikabok ay tatanggalin Sa paghiwa ng sibuyas, luhang totoo’y sumasabay Paglinis ng paliguan, hikbi at buhos ng tubig magkasabay Mga kamay noo’y kay lambot ngayon magaspang at kay tigas Prinsesa noon ako’y ituring, ngayon Cinderella kung tawagin Madalas ako’y nagtatanong Ito nga ba’y kalooban? O sadyang pinili ko lamang? Bakit? Bakit kailangan maranasan Sa pagtatanong ko sa Kanya, kasagutan kay bilis kong natanggap Luha’y biglang umagos sa mga mata at sa pusong nagpapasalamat ‘Upang maranasan mo ang aking kabutihan’ tugon Nya sa akin Sa pagkakataong ito tanging sya lang ang makakaunawa sa akin Tanging Sya lamang makakausap at maiiyakan Ang kalapitan Nya’y tunay aking nararanasan Ang lahat tila ikaw ay iniwan ngunit Sya ang Dios kailanma’y di ka papabayaan Mga luha ko’y kanyang nakita, mga hikbi ko’y kanyang narinig Kaibigan noo’y aking takbuhan , ngayon walang sandalan kundi Sya lamang Sa pagpikit ng mata aking naunawaan hindi nag-iisa kailan man Ang kanyang habag ay sapat, sa araw-araw Sya ay tapat Kalungkutan kanyang pinalitan ng kagalakang hindi maipaliwanag Sa mga gabing nagsusumamo kapayapaan ay iyong handog Puso ay umaasang ang takbo ng buhay magbabago balang araw Muli nga Nyang ipinaalala ang mundong ito’y hindi ko tahanan Balang araw ay makakasama sa palasyong may kapayapaan Mga luha ay pupunasan, ang puso ay puno ng kagalakan Balang araw makakasama sa paraiso ng may likha ng lahat Doon ay wala ng sakit, pighati at pait, mag aawitan kasama mga kapatid Wala ng away, lahat nagmamahalan, balang araw ito ay masisilayan Habang nasa mundo ako ay lalaban, tatakbo hindi mapapagod Dahil puso ko’y naniniwala balang araw, aking Ama, ikaw ay makikita ng mukhaan.
Jai
May bagong anyo ang bahay blog mo Princess. Hello. 🙂
PrincessLG
Idedelete ko na nga po dapat kagabi. Haha Pero cge ituloy! Kaya pinalitan ko na lang ang template 🤓 hello po!
Jai
May bagong anyo ang bahay blog mo Princess. Hello. 🙂
PrincessLG
Idedelete ko na nga po dapat kagabi. Haha Pero cge ituloy! Kaya pinalitan ko na lang ang template 🤓 hello po!