Kasalukuyan akong nakangiti ng napakalaki abot hanggang tenga! Kinikilig ako:) Isang love story na napaka common. Babaeng simple, hindi nag aayos pero napansin ng lalakeng mayaman, sikat at higit sa lahat pogi!
Nangyayari pa kaya to sa totoong buhay? Oo man o hindi, this fairy-tale-like story ay nakakakilig pa din. Nakakatuwa naman talaga ang mga Koreanovela e no? Bukod sa napaka pure ng story when it comes to love and relationship e ang lakas din makabata nito e! High Schooler lang ang peg.
Yung feeling mo ikaw yung babae hinahabol ng lalakeng pogi. HAHA MAngarap! Nganga naman kasi sa totoong buhay. Kaya nga siguro dami single ngayon na babae kasi naghahanap ng perfect guy or tinatawag nating Mr. Right.
Umaasa may ganun pang mga lalake sa mundo, yung alam lahat kung nasaan ka, susundan ka, nakabantay sayo para lang ma-make sure nya na safe ka. Yung palihim ka piprotekatahan. Yung kahit mayaman sya at against sayo ang parents pipiliin ka pa rin nya na mahirap lang pero mabait, simple at maganda din naman. Sige maniwala ka kasi na maganda ka! 🙂 E ambot lang sa totoong buhay. Hirap makahanap nyan.
GANOIN paman, ako’y kinikilig pa din. Ang sarap naman kasi ng feeling kapag may nag-aalaga sa yo diba? Kapag may nagmamahal at concern sayo, yung tipong ngingiti lang sya sa harap mo kasi nacucute-an sya sayo? at magtatanong ka “Bakit? Bakit ka nakatitig? (yung tonong nagiinarte, enebeyen! Sabay hagis ng buhok pataas)
At sasagutin ka nyang nakatitig “Bakit ang ganda mo?” Tunaw! HAyyyyy.. Ang sarap mainlove. Eto ah! Hindi ako nagiinarte pero kinikilig talaga ako pag may nagmamahalan. Kahit nga married couple kapag nakikita ko silang sweet, kinikilig ako! Di ko alam bakit. Kasi siguro yung LOVE andun e, ramdam mo.
One time naging crush ko si Kimpoy Feliciano, online heartthrob, social media sensation. Dami dami nya followers karamihan babae. Nacurious lang ako nun e. Nasama pa nga ako sa closed group sa FB na sya mismo ang nagcreate. Talaga namang nakikipag communicate sya sa mga fans nya e.
Kanya kanyang papansin sa mga posts. Dahil single din sya, maraming kababaihan ang talaga namang I am sure umaasa na mapansin ni Kimpoy. Sinubukan ko lang naman if mapapansin ako sa post. Napansin naman ng ilang beses. Nag-umpisa na ako magpost sa group kasi nila-like nya nga talaga. naging isa na rin ako sa papansin, naghahangad sa like and comment ni Kimpoy.
Attention. Kamote stressful, dami ko kaagaw! HAHA Nakikinig na din ako ng song nya noon yung title ay “Ikaw Lang” Akala mo naman talagang ikaw ang kinakantahan ni Kimpoy e.
Ikaw lang pag-ibig sa buhay ko
Ngunit bakit ka naman ganyan
Walang tiwala sa akin
Mahal na mahal naman kita
Tunay ito, aking sinta
Hindi kukupas kailan pa man
Kahit itanong mo
Kanino man, mahal kitang talaga
Gabi-gabi na lang sa pagtulog ko
Ikaw lang ang panaginip
‘Pag ako’y gising na
Ikaw pa rin ang na sa isip
Kahit hindi mo ‘ko kaipiling
Asahan mong sa iyo pa rin
Ang pusong ito na iyong inangkin
Ikaw lang ang tanging minamahal ko
Huwag makinig kaninuman
Ikaw lang naman at wala nang iba
Sana ay maniwala ka na
Tunay ito, aking sinta
Hindi kukupas kailan pa man
Kahit itanong mo kaninuman
Mahal kitang talaga
WEH? Di nga? Haha. Aba may votes votes pa yun nagsisipuyatan sila para maging top 1 lang si Kimpoy sa list. Yes, number 1 sya nung mga panahon na yun pero hindi ako nagvovote nun. 🙂 Over na ata! Pero meron talagang mga fans na talagang full support sa kanya. Like lang or mention lang sa post ni Kimpoy e masaya na ang mga iyon e nagsisitalunan na sa kilig.
Ganun nga talaga ang karamihan sa babae. Mababaw ang kaligayahan. Mapansin lang, ayos na! Mahalin mo lang, okay na. Kayong mga lalake dyan wag kayong paasa. HAHA Kung wala naman pag asa bakit kelangan pang hayaan mahumaling sayo ng husto, itigil mo pang impress mo kung mangiiwan ka din naman. #Hugot
Isang araw habang nakikinig ako sa kanta nya na yan. Napaisip ako, may parang kumausap din sa akin. At sa maikling conversation with God that moment nabago na ang takbo ng love story ko. Yan yun araw na sabi ko.
“Lord ang gara naman, babae ako bakit ako naghahabol sa ganyan, sikat pa. Dami ko kaagaw. Di naman ako desperada mapansin pero tulad ng maraming babae nahangad din ako ng fairy tale story. Mapansin, mahalin din? Actually di naman talaga ako choosy e. Di ako mahilig sa pogi. Mas gusto ko ang character. Higit sa lahat yung malakas din sayo. Ayaw ko ng ganito Lord yung ako ang maghahanap. I am your princess, I believe. Hindi ko kelangan maghabol sa kahit kanino para mapansin lang at mahalin. Ibibigay mo yun sa akin sa tamang panahon” (wala pang aldub dialogue ko na yan! haha) Sa tamang panahon. Kaya maghihintay ako kasi pag galing sayo laging Okay. Kaya tama na to Lord.”
” Tska ang gara no? Ang tao ang dali dali nila gumawa ng kanta tulad nito, mga love songs para sa tao. Dahil sa love, masarap magmahal at mahalin. E panu kana? Mas nakakakilig ka kaya! You are LOVE itself. Kung nagagawa nilang makagawa ng song for a person, pwede rin naman para sayo diba? Mas bongga ka nga magmahal e”
Yung araw na yun, nakagawa ako ng isang kanta. Masyadong madrama ang araw na yun, punong puno ako ng emotion. Habang naglalakad ako, bulong nya “Sino ba ako para sayo Yhang?”
Aba kahit na nasa daan ako ang luha ko naman talaga bumuhos e. He is my everything, narealized ko na kung gaano nya ako kamahal na hindi ko na talaga kaya pag wala sya. Yung joy at peace na binibigay nya everyday.
Walang makakagawa sa akin nun kahit sinong lalake. Yung love nya unconditional, walang ganun sa tao. Maari mawala silang lahat, iwan ka or saktan ka pero sya? Hindi e, Iba sya magmahal. kaya ang sabi ko sa Kanya “You are the lover of my soul”
Isang araw ko lang nabuo. Inspired na inspired ako. Yun ay kanta ko for God na naging way din na matagpuan ko ang Prince Charming ko 🙂 Nakakatuwa! Hindi ako nagmamayabang pero parang totoo talaga na fairy tale happens in real life. Yung parehas kayo nagseek sa KING para matagpuan ang isat isa. Ang pogi nya kaya. Latak ako. Lage nila sinasabi Jackpot daw ako, nakaksakit na kayo ah. Maganda naman ako ah? At least sa mata nya HAHA. Di ko akalain mamahalin ako ng isang tulad nya. Pogi sya inside and out. Thank you Lord! 🙂
Ako ay kinikilig. Yung habang nagkukwento ka, daldal ka sa harap nya tapos nakatitig lang sya sayo, nagsmile. Nagtanong ako ng bakit. “You are so cute, You are so beautiful. I am so blessed” Ayyyyyy
Sa Koreanovela pinapanood ko kinikilig ako sa love story nila, lage ko inaalala ang araw na nagkakilala din kami at paano kami nagkatagpo. Kinikilig pa din ako. Kinikilig ako kung gaano ako kamahal ni Lord at ibinigay nya sa akin ang tulad nya.
Doctor Eamer
#Kilig nga 🙂