Kahit gaano kadami ang mabuting ginawa mo sa mga tao, sa isang maliit na pagkakamali lahat yun makakalimutan. Tanging ang mali lang ang makikita. Ganun talaga.
Kahit nga totoo ka sa mga tao, marami sa kanila hindi totoo sa pakikitungo sayo. Mabait sila pag nakaharap ka pag nakatalikod na, iba na. Against na sila sayo. Ganun talaga.
May mga tao din na kahit gaano ka nagpapakita ng kabaitan sa kanila, sa di maipaliwanag na dahilan, galit sila sayo. Ayaw nila sayo kahit wala ka naman ginagawang masama sa kanila. Ganun nga siguro talaga.
Iba iba pang karumihan at dungis ang makikita sa paligid, sa mundo. Kung titignan mo ang lahat ng to, nakakapagod nakaka-asar. Nakakapanghina at nakakaloka. Sa iba dedma lang. Ganun talaga! Iisipin mo wala na talagang mabuti sa mundo. Wala na nga ba talaga?
Kahit nga sa pag-ibig. Marami ng hindi naniniwala may totoo pa rin naman. Takot na umibig ulit mga taong minsan ng nasaktan sa paniniwalang mauulit ulit ang nakaraan. Mga taong hindi na susubok magmahal dahil sa paniniwalang ang lahat ay tulad din ng iba. Walang forever…Iiwan ka din sasaktan ka din. Walang happy ending.
Ano ang tugon mo dito?
Kahit na hindi ka nila iappreciate,gumawa ka ng mabuti. Kahit ayaw nila sayo, ramdam mo, gustuhin mo nalang sila. Kahit hindi sila totoo, maging totoo ka nalang. Ganun talaga. At least, ikaw, sa sarili mo, sa puso mo. Totoo kang nagmamahal. Totoo ang pinapakita mo. Magmahal.. Love is always the answer.
Masakit oo kapag naging totoo ka sa tao pero ang balik ay maskara lang. Hindi totoo. Peke. Pero ganun talaga e! Be good anyways. Love anyways. Ang hirap diba?
We are made for love.
Kung paano ang magmahal ng tunay? Tumingin ka SA Kanya. God’s
Love is wonderful, real, amazing, unconditional, and everlasting. The more you seek Him, the more you will find him, the more you find him the more you love him. The more of Jesus in your life the more you will see the beauty of life and the more you will love the people unconditionally. You will love this life kahit na messy, puno ng gulo, crimes at kung anu ano pa.
Dahil in the midst of this all, when you know God is with you, You are peaceful. Hindi mabibili ng pera..hindi sa magandang posisyon sa buhay, hindi sa gadgets o sa mamahaling damit or gamit makukuha ang peace at happiness and joy. Puwede ka magkaron ng lahat ng ‘to. Walang masama. Pagpalain ka pa ang aking dalangin. Pero kung wala si God sa lahat ng yun. “I am nothing. I am nothing!” tugon ko. We are nothing without God.
Bakit ko ba sinasabi ito? Hindi ko rin alam. I just found myself typing and saying these words. Sa mundong ito, makikita mo lahat ng uri ng kasamaan, mga sakit at sakuna. Mga paniniwalang hindi mo alam saan ang direksyon. Mga relihiyon nagsasabi na sila ay tama. Sino nga ba talaga ang tama?
Lahat may karumihan. Lahat. Pati ako! Pero kung titingin ka kay Jesus… maganda. It is so good to gaze in His beauty, His word that corrects you and rebukes you, made not to simply hurt you but to make you a better person and be in the right path. Truth hurts. But it will set you free.
Makuha mo man ang ganda at yaman sa mundo kung wala si Kristo sa buhay mo may kulang pa rin. Tanging Sya lang pupuno sa kakulangan na meron ka. When you have Jesus, you have everything. Emptiness, he will fill it. The question is? Are you willing? It is up to you.
Wala sa akin ang sagot. Wala sa kahit kanino man. Wala sa relihiyon ko o relihiyon ng iba. Nasa Diyos. Na kay Jesus. Pray. Read His Word. Seek Him and you will find him. Do not just believe on what people say. Take time to listen to His voice. Take time to know God, to know Jesus. He is the answer.
Posted: February 20, 2016
***
-Princess